…nakakainis…
nakakainis na gusto kita pero ayaw ko. nakakainis na gusto kong magalit sayo pero hindi ko magawa. nakakainis na gusto kitang makasama pero hindi lang talaga pwede. nakakainis na gustong kong wag kang pansinin pero hindi ko matiis. nakakainis na nandito lang ako parati para sayo. nakakainis na iniisip kong makakausap lang kita dahil kailangan mo ko. nakakainis na gusto kitang kalimutan pero hindi ko kaya. nakakainis na gusto pa rin kita kahit ang dami ko nang nakitang hindi ko gusto sayo. nakakainis na gusto kitang alagaan pero marami nang nag-aalaga sayo. nakakainis na gustong kong mainis sa iba ng dahil sayo. nakakainis na kahit sabihin kong ayaw ko sayo ay lalo lang akong naiinis dahil mas lalo lang kitang nagugustuhan. nakakainis na kahit naiinis ako sayo makita lang kita masaya na ulit ako. hay… nakakainis!!